| San Sebastian |
|
|
|
| Written by Administrator |
| Sunday, 28 September 2008 17:55 |
|
Ang nayon ng San Sebastian ay isa sa mga nayon ng Hagonoy na nasa gawing timog-hilaga. Ayon sa matatanda ng nayon, ang San Sebastian non ay siyang pinakadulo o hangganan ng lupa at tubig sa hilaga ng Hagonoy. Ang nayon ay binubuo lamang ng munting lugar na naggugubat sa mga puno ng sasa at ng halamang tinaguriang hagonoy. Sa dakong kanan patungo sa bayan ay ang purok naman na kung tawagin ay Sukol sapagka't dito raw sa pook na ito nakilaban ang isang magiting na pinuno hanggang sa masukol pati ang kanyang mga tauhan nong panahon ng mga Kastila, ito ay walang iba kundi si Kapitan Angeles. Sa dahilang ito ang pinaka-malapit na lugar sa kabayanan kaya marami ang nagkagusto na dito magtayo ng mga tahanan hanggan umabot na ito sa may dulo o hangganan ng ilog na tinawag na Wawa. Tinawag itong Wawa sa dahilang ito ay nasa dulo na ng Ilog Hagonoy noon. Sa hina-haba-haba ng panahon ay dumami ang mga nanirahan hanggang sa mahawan ang mga sasahan at umabot sa may bungad ng dagat ang mga tahanan na natayo ay tinirahan ng mga tao. Ito ang mga karatig na nayon ng San Sebastian. Nang hatiin o bigyan ng mga pangalan ang mga purok ng nayon ito ay ipinangalan sa ating mga bayani tulad ni Dr. Jose Rizal, M. H. Del Pilar at Apolinario Mabini. Ang pook naman ng Sukol at Wawa ay di na mabago sapagka't ito ang may pinakamahabang nasasakop kaya minabuti ng mga namumuno sa nayon na hatiin ito sa tatlo na tinawag sa ngayon na Wawa I, Wawa II at Wawa III. Photos
|
| Last Updated ( Tuesday, 11 November 2008 01:45 ) |





